Kartero

Dear Readers;

Hindi Pebrero ngayon, pero ngayon ko ito ilulunsad -ang liham pag-ibig.

Hindi ko alam kung magiging “in” ba ito sa inyo o sa lahat ng umiibig. Ang tanging alam ko lang, lahat tayo ay may maibabahagi kapag ito na ang pinag-uusapan, mapa-kalungkutan man o kagalakan.

Hayaan ninyong pag-usapan natin ang lahat ukol sa pag-ibig: mga problema o mga lumalabong pagtitinginan, mga kasiyahan, mga karanasan sa nakalipas na pag-ibig at ang mas matindi ang kasalukuyang nagaganap sa buhay pag-ibig mo o ng isang tao.

Sa tulong nito, maibsan nawa ang sakit na ating nararamdaman at makatulong sa mga taong nahaharap dito. Mabigyan ng mga kaunting konklusyon, hindi man maging tumpak ang solusyon mabigyan man ng kaunting payo at maramdaman na may nakikinig at dumadamay sa kanila.

Sa tulong ninyo, maway may matulungan tayo at makapag hilom sa mga pusong sugatan.

Lahat tayo biktima ng Pag-ibig. Kung lahat tayo may magbibigay ng kani-kaniyang opinyon at karanasan maaari nating mabigyan ng gabay ang isang partikular na tao na nagbabasa dito.

Ito muna sa ngayon.

Nagmamahal,

Mr. Liham aka. Mr. Li

___________________________________________________________

MAY KUWENTONG PAG-IBIG KA BANG NAIS IBAHAGI O IHINGI NG PAYO?

LUMIHAM LANG DITO : lihampagibig@yahoo.com

HINTAYIN KO KAYO.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.